Monday, June 18

The story of the Long spoon

Binigyan kami ni teacher ng weekend asignment basahin daw namin ang kwento ng Long spoon.Kaya ito share ko sa inyo. Isang Rabii nag request kay God na sana makita niya ang Hell at heaven. Pinayagan naman siya ni God at tinawag si Prophet Elija para ipasyal siya. Una silang pumasok sa isang malaking room. Sa gitna ng room may nakasalang na malaking kaldero at naamoy ang masarap na niluluto doon. Sa palibot ng malaking kaldero, nakaupo ang mga tao na hawak hawak ang malaking kutsara. Lahat ay sumasandok ng pagkain mula sa malaking kaldero, ngunit lahat sila'y payat, nanghihina at gutom na gutom. Nung nakalabas na sila room, nagtanong ang Rabii bakit ganon ka weird ang lugar na yun. Yun daw ang hell. Sa ikalawang room same din ang makikta sa unang room. May malaking nakasalang na kaldero sa gitna at masarap ang amoy ng niluluto nito. Ang mga tao ay nakaupo rin sa palibot ng kaldero at may malaki silang kutsara hawak-hawak. Pero ang mga tayo dun ay masaya, heathy at maayos. Gamit ang malaking kutsara sila ay sumasandok sa kaldero ng pagkain saka sila nagsusubuan sa isat isa. Ang room na yon ay ang Heaven.

Bakit sa hell ang mga tao dun puro payat, nanghihina at gutom na gutom? kasi iniisip lang nila sarili nila para makakain gamit ang malaking kutsara. wala silang pakialam sa iba. Hope nakapulot kayo ng aral...

No comments: